Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na nadadamay na rin kasi ang pamilya ni Albayalde matapos itong madawit sa isyu ng drug recycling o ninja cops.
Ani Panelo, nabugbog ng husto sa senate hearing si Albayalde.
“I can only speculate that he has had enough”, ani Panelo.
Bilang isang abogado, sinabi ni Panelo na masasabi niyang ang mga pahayag ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong laban kay Albayalde ay pawang “hearsay” lamang.
Dagdag pa nito, dapat pa ring magpakita ng matibay na ebidensya na nagbenepisyo talaga si Albayalde sa maanomalyang drug operation sa Mexico, Pampanga noong 2013.
Bagaman manananatili pa sa hanay ng PNP hanggang siya ay magretiro ay iniwan na ni Albayalde ang pwesto bilang PNP chief.