Sa kabila ng non-duty status, kaso vs Albayalde tuloy – Gordon

Sa kabila ng paghahain ng paghahain ng ‘non-duty status’ ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde, tiniyak ni Senator Richard Gordn na kakaharapin pa rin nito ang mga kasong maisasampa laban sa kaniya.

Ayon kay Gordon, kahit umalis na sa pwesto bilang PNP chief si Albayalde ay mananagot pa rin ito sa iniimbestigahang kalakaran ng mga ‘ninja cops’ sa senado.

Sinabi ni Gordon na bagaman nalulungkot siya para kay Albayalde ay mahalaga aniyang maimbestigahan talaga ang usapin dahil napakalaking bagay at kaso nito sa Philippine National Police (PNP).

Wake-up call din aniya ito sa pambansang pulisya para itigil ang mga ilegal na gawain gaya ng pagre-recycle ng ilegal na droga.

Read more...