Dalaw sa Bilibid tiklo sa droga na inilagay sa adobo

Nasamsam ng mga otoridad ang limang pakete ng shabu at isang SIM card na tinangkang ipuslit sa New Bilibid Prison(NBP).

Nabatid na inilagay sa adobong bulalo ng suspek na si Glenn Dayrit na bisita sa NBP.

Sa salaysay ng isa sa mga jail guards, napansin niyang may plastic sa dalang ulam ni Dayrit kaya ininspeksyon niya ito at doon ay nakasalid ang mga pakete ng shabu at sim card..

Depensa naman ng suspek na napag-utusan lang siyang dalhin ang ulam sa presong si Ron dela Cruz at hindi niya alam na may laman pala itong droga.

Iniimbestigahan na kung sino ang nag-utos kay Dayrit.

Nabatid na apat na beses nang nagdala ng ulam si Dayrit sa Bilibid pero inaalam pa kung dati na siyang may naipuslit na kontrabando.

Read more...