10 bahay nasunog sa Paco, Maynila

Tinupok ng apoy ang aabot sa 10 mga bahay sa General Luna Steet, Paco, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 6:00 ng umaga ng Lunes, October 14 sa bahay ng isang Edna Bulatao.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago tuluyang naapula alas 7:07 ng umaga.

Kani-kaniya namang hakot ng gamit ang mga residente na ang iba ay dinala muna sa bangketa ang mga naisalba nilang gamit sa bahay.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang naging dahilan ng pagsiklab ng sunog.

Read more...