Albayalde nag-anunsyo na ng non-duty status


Inanunsiyo ni PNP Chief Lt. General Oscar Albayalde ang paghahain niya ng non-duty status bilang pinuno ng pambansang pulisya.

Dapat sana ay sa ika-29 pa ng Oktubre iiral ang pananatili sa posisyon ni Albayalde kung saan mangyayari ang turn-over ceremony ng bagong PNP Chief pero nag-desisyon siyang mas paagahin ito.

Gayunman, nilinaw ni Albayalde na miyembro pa rin siya ng pambansang pulisya hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa Nov.8, 2019.

Papalit sa tungkulin ni Albayalde ay si Lt. Gen. Archie Gamboa ang Chief of Operations ng PNP.

Inanunsiyo ni Albayalde ang pag-iral ng kanyang non-duty status sa flag raising ceremony sa Camp Crame lunes ng umaga.

Naging kontrobersyal si Albayalde matapos akusahang protektor ng tinaguriang “ninja cops” na nagrerecycle ng droga sa Pampanga.

Read more...