P2.4M na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa Talisay City

Nasabat ng mga otoridad ang aabot sa P2 milyon halaga ng ilegal na droga sa Barangay Lawaan 2, Talisay City, Cebu.

Ikinasa ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang operasyon alas 3:00 ng madaling araw ng Lunes, Oct. 14.

Nadakip sa operasyon ang target na drug personality na si Rogelio Delubio Amion, 43 anyos.

Kasama ring naaresto ang apat na nadatnang kasama ni Amion.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Marlu Conag, pinuno ng PIB, nakuhanan ang grupo ni Amion ng 360 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P2,400,000 ang halaga.

Read more...