Unang inanunsyo ng DA na babayaran nila ang mga hog raiser ng tig P3,000 bawat baboy na may ASF na kanilang kakatayin o sasailalim sa culling.
Pero ngayon anya malaki na ito dahil tig P5,000 na ang ibabayad nila sa mga magbababoy sa bawat baboy na apektado ng ASF.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar bibigyan nila ng karagdagang P2,000 ang mga naunang magbababoy na nagbenepisyo ng nasabing financial assistance o nauna nang nakatanggap ng tig P3,000.
Sinabi rin ng kalihim na patuloy pa ring ipanatutupad ang 1-7-10 protocol sa ASF-affected areas katuwang ang mga lokal na pamahalaan, Militar, Pulis at ang grupo ng swine industry bilang hakbang para makontrol ang pagkalat ng ASF sa bansa.
Nagbabala naman si Dar sa mga magbababoy na lalabag sa kanilang kautosan ay mananagot sa batas.
Paalala rin niya sa publiko na maging maingat sa pagbili ng mga karneng baboy sa palengke at kung maaari ay bumili lamang sa mga meat shops na may tatak ng DA-National Meat Inspection Service.