Ayon kay Bong Nebrija, EDSA traffic czar at head ng operations ng MMDA, noong nakaraang holiday season ay nakikipagusap lang sila sa mga may-ari ng mall na nakatayo sa EDSA.
Pero ngayon anya ay lahat na ng may-ari ng mall na nakatayo sa 16 na lungsod at sa isang munisipalidad sa Metro Manila.
Ayon sa traffic czar, inaasahan na ng MMDA na dadagsa ang mga tao sa Metro Manila para sa Christmas rush.
Sinabi ni Nebrija na layunin ng pakikipagpulong sa mga mall owners para hikayatin sila ng gawing weekends ang pagkakaroon ng sale at kung maari i-adjust ang mall hours.
Ang Metro Manila ay binubuo ng 16 na lungsod kabilang dito ang Manila, Quezon City, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig at Valenzuela.
Ang ang bayan ng Pateros naman ang nagiisang bayan ng Metro Manila.