Supply ng kuryente sa Misamis Occidental, naibalik na ayon sa NGCP

Nagpaabot ng paumanhin ang pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga customer ng MOELCI 1 at 2 na isang electric cooperative sa Misamis Occidental.

Ito ay matapos mawalang ng supply ng kuryente sa nasabing lalawigan na umabot ng limag oras, araw ng linggo, Oct. 13.

Sa facebook page ng NGCP, sinabi rito na nagsimulang mawalang ng kuryente mula alas-8:51 ng umaga hanggang ala-1:11 ng hapon.

Sinabi rin nila sa kanilang FB post ang sanhi ng hindi inaasahang power interruption ay dahil sa ginawang emergency corrective activities at bañadero switchyard sa pasilidad ng NGCP sa may Ozamiz-Calamaba.

Read more...