Pagpalaya sa apat na suspek sa pagpatay kay Vice Mayor Yuson, hindi kontrolado ng MPD – Danao

Naglabas ng pahayag ang Manila Police District (MPD) tungkol sa pagpalaya sa apat na suspek na iniuugnay sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III.

Ayon kay MPD Direct Brig.Gen. Vicente Danao Jr. hindi na kontrolado ng MPD ang desisyon ng piskal na kailangan pa ng masusing imbestigasyon ukol sa kaso o refer the case for further investigation (RFI).

Aniya ginawa ng MPD ang lahat para magkaroon ng malakas ng kaso laban sa mga suspek.

Makatitiyak anya ang publiko na buong pwersa nilang ipatutupad ang batas para makamit ang hustisya ng naiwang pamilya ni Vice Mayor Yuson.

Sinabi rin Danao na mula pa noong Day 1 ay nakipagugnayan na ang homicide section ng MPD sa pamilya ng bise alkalde at sa mga abogado ng pamilya nito.

Noong Sabado, Oct. 12, ipinagutos ng Manila City Prosecutors office na palayain sina Bradford Solid, Juanito De Luna, Rigor Dela Cruz at Junel Gomez dahil Kailangan ng malalim pang imbestigasyon sa mga kaso laban sa apat na suspek.

Read more...