DA ipinagtanggol ang pondong gagamitin sa mga pagaaral kaugnay sa agrikultura

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na ang mga magsasaka ang pangunahing makikinabang sa ginagawang mga pagaaral ng kagawaran kaugnay sa pangagrikultura.

Ang pahayag na ito ay ginawa ng DA matapos kwestyonin ni Senador Cynthia Villar noong nakaraang budget hearing sa senado na malaki ang nakalaang pondo ng nasabing ahensya na mapupunta sa mga pagaaral nito kaugnay sa agrukultura.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, isa itong malaking hapon sa kanyang kagawaran at titiyakin nila na ang magiging resulta sa mga pagaaral o reseach kaugnay sa agrikultura ay pakikinabangan ng mga magsasaka sa bansa.

Sinabi naman ng kalihim na walang mababawas o mababago sa pondo ng DA.

Subalit magkakaroon anya ng dalawang bahagi ang pondo it ay ang “Strategic Research” para sa mga prayoridad na lugar na gagawan ng pagaaral at ang pangalawa ay ang “Technology Commercialization” na ibig sabihin nito ay matutulongan ang mga magsasaka na mapalago ang mga kita nito.

Iginiit ni Dar na magpapatuloy pa rin ang gagawing nilang mga pagaaral tungkol sa pangagrikultura para mapaigi ang agri-business sa bansa.

Read more...