Umabot na sa 12 flights ang kanselado sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang lagay ng panahon sa Japan.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), unang nagkansela ng flights pasado ala-1:00, madaling araw ng Linggo, Oct. 13.
Narito ang mga terminal sa NAIA na may kaseladong mga flight na galing sa Japan papuntang Manila:
TERMINAL 1
(JL) Japan Airlines
JL 741 Narita-Manila
JL 77 Haneda-Manila
TERMINAL 2
(PR) Philippine Airlines
PR 423 Haneda-Manila
PR 431 Narita-Manila
TERMINAL 3
(NH) All Nippon Airways
NH 819/820 Narita-Manila-Narita
NH 869/870 Haneda-Manila-Haneda
(DL) Delta Airlines
DL 180/181 Narita-Manila-Narita
Pasado alas-7:00 ng umaga naman ay nadagdagan pa ng dalawang fights ang nakansela sa NAIA Terminal 3, ito ay ang 5J 5039 na may biyaheng Nagoya-Manila at 5J 5057 na Narita-Manila naman ang biyahe.
Payo naman ng panumuan ng MIAA na makipagugnayan ang mga apektadong pasahero sa mga nabanggit na airline company para sa rebooking at refund.