4 na suspects sa pagpatay kay Vice Mayor Yuson III pinalaya

Noel Talacay, Radyo Inquirer

Pinalaya ng piskalya ang apat na suspects sa pag-patay kay Batuan, Masbate araw ng Sabado.

Ayon sa Manila City Prosecutors Office, kailangan ang malalim pang imbestigasyon sa mga kaso laban sa apat na suspects.

Nahaharap sa kasong murder at two counts ng frustrated murder sina Bradford Solis, Juanito de Luna, Rigor dela Cruz at Junel Gomez.

Naaresto ng Manila Police District ang mga suspects kasunod ng pagpatay sa bise alkalde.

Ang pagka-aresto sa apat ay matapos na makita sa CCTV footage ang plaka ng van na ginamit sa getaway vehicle sa pagpatay kay Yuson sa Vicente G. Cruz Street sa Maynila Huwebes ng umaga.

 

 

 

Read more...