Ayon kay Senator Richard Gordon, nakatakda nang isumite ng Senate blue ribbon committee ang report ukol sa “ninja cops” sa susunod na linggo.
“Tapos na ako, ginagawa na namin yung report [I’m done, we are now doing the report], as we speak…Kasi sa dami ng hearing namin, titignan namin kung saan kami nagkulang, saan kami sumobra [Because we have conducted a lot of hearing, we will look into where we lacked and where we had too much],” ani Gordon.
Sa ngayon anya ay suspendido muna ang imbestigasyon ukol sa naturang isyu dahil mayroon pa silang mga kakausapin gaya ng Korean na si Johnson Lee na sinasabing drug trafficker na naaresto sa kwestyunableng drug raid sa Pampanga noong 2013.
Kukunin naman ng komite ang mga sports utility vehicle na umanoy napunta sa mga pulis na nag-operate sa Pampanga operation kabilang ang nooy provincial director Oscar Albayalde.
“Because may lalabas pa eh. Yung report ng Korean, lalabas ‘yun. Kausapin natin, baka magturo ‘yun eh. Tapos yung mga kotse, pag nakuha natin yung listahan, it will just reinforce the case,” dagdag ng senador.
Una nang sinabi ni Gordon na magrerekomenda sila na sampahan ng kaso si Albayalde dahil sa pagkadawit nito sa ninja cops.