Ukraine president 12-oras humarap sa press conference

AP

Gumawa ng record ang pangulo ng bansang Ukraine na may hawak ngayon ng pinaka-mahabang press conference sa kasaysayan.

Sa unang pagkakataon mula nang mahalal bilang Pangulo, humarap sa mga mamamahayag si Volodymyr Zelensky para sa press conference na tumagal ng mahigit sa 12-oras.

Ginawa ang press conference sa loob ng isang kilalang food court sa bayan ng Kiev na dinaluhan ng daan-daang mga lokal at international journalist.

Ang nasabing okasyon ay idineklara ng National Records Agency na “longest press conference” sa world history.

Si Zelensky ay kilalang komedyante sa nasabing bansa bago mahalal bilang Pangulo.

Read more...