3,000 baboy pinatay sa Pampanga dahil sa ASF

Inquirer file photo

Aabot sa tatlong libong baboy ang isinailalim sa culling ng  mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng kumpirmasyon ng African Swine Fever (ASF) sa San Simon, ang kauna-unahang bayan sa Pampanga na may kaso ng ASF.

Ang mga pinatay na baboy ay agad na ibinaon sa lupain na pag-aari ng pamahalaan.

Sa pagtaya ng lokal na pamahalaan, nasa 70 ang mga hog raisers sa San Simon na karamihan ay nasa barangay ng Concepcion at San Pedro.

Aabot sa tatlong libong baboy ang isinailalim sa culling ng  mga tauhan ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang lokal na pamahalaan ng San Simon sa lalawigan ng Pampanga.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng kumpirmasyon ng African Swine Fever (ASF) sa San Simon, ang kauna-unahang bayan sa Pampanga na may kaso ng ASF.

Ang mga pinatay na baboy ay agad na ibinaon sa lupain na pag-aari ng pamahalaan.

Sa pagtaya ng lokal na pamahalaan, nasa 70 ang mga hog raisers sa San Simon na karamihan ay nasa bayan ng Concepcion at San Pedro.

Tiniyak naman ni Mayor Abundio Punsalan, Jr na makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang mga naapektuhang hog raisers.

Read more...