Pinabalik na sa kanilang bansa ang mahigit sa 200 Chinese workers na inaresto sa isang gusali sa Pasig City noong nakaraang buwan.
Ang nasa 243 mga dayuhan ay sangkot sa illegal online investment scam na nambibiktima sa kanilang mga kababayan sa mainland China.
Gumamit ng tatlong chartered flight ang Bureau of Immigration para mapauwi ang dayuhan.
Sinabi ni Immigration spokesperson Dana Krizia Sandoval may 300 dayuhan na nasa Palawan ang naka-pending ang deportation bukod pa sa 500 na naaresto kamakalawa.
Dagdag pa ni Sandoval, umpisa pa lamang ito ng mass deportation ng mga dayuhan na sangkot sa iligal na gawain sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES