Kinumpiska ng otoridad ang mga pork products sa ilang mga pantalan at airport sa Negros Oriental na bahagi ng kampanya laban sa African Swine fever (ASF) sa Visayas at Mindanao.
Kabilang sa mga nasabat ay limang kilo ng karne ng baboy na galing ng Cebu na naharang sa Tangil seaport sa Guihulngan City.
Tatlong pakete, o nasa 100 piraso ng siopao mula sa isang pasahero na galing ng Maynila ang nakumpiska naman sa Dumaguete-Sibulan airport.
Noong huwebes, kinumpiska ng quarantine inspector ang isang ice box na naglalaman ng siomai at lumpia na pag-aari ng pasahero na galing ng Maynila.
Kasabay nito, nanawagan sa publiko ang Quarantine Officer ng Bureau of Animal Industry (BAI) na iwasan na ang pagdadala ng mga pork products mula sa Maynila at alinman parte ng Luzon ng walang kaukulang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).