Sold-out ang mga naunang ibinentang “Jesus Shoes”.
Ito ay kahit na nagkakahalaga ang bawat pares ng nasabing sports shoes ng $4,000 0 P206,000.
Gawa ng Brooklyn-based creative arts company na MSCHF ang nasabing sapatos kung saan una nilang ginawang “Jesus Shoes” ang ilang piraso ng Nike Air Max.
Gayunman ay nilinaw ng MSCHF na hindi sila konektado sa kumpanyang Nike.
Ang bawat Nike Air Max na kanilang binebenta ay may lamang holy water na nagmula pa sa Jordan river.
Mayroon ring krus sa bawat shoelace at may bible verse na “Matthew 14:25” na tumutukoy sa paglalakad ni Hesus sa tubig.
Nilinaw rin ng MSCHF na walang kinalaman ang anumang relihiyon sa nasabing proyekto at mas gusto nila itong tawagin bilang collaboration with Jesus Christ.