Sa isang pahayag araw ng Biyernes, iginiit ni Lorenzana na ang Gulfstream G280 aircraft ay gagamitin para sa ‘crisis situations’.
Ani Lorenzana, mahalagang bahagi ng AFP modernization program ang nasabing eroplano dahil magagamit ito para sa command and control operations ng AFP.
“Let me emphasize that we do not consider the G280 as a luxury aircraft, but a necessary component of the AFP modernization program for command and control of our Armed Forces to manage operations on air, land, and sea. This particular aircraft is being acquired for the purpose of keeping pace with current technological advancement,” ani Lorezana.
Binili anya ang ito upang makasabay ang sandatahang lakas sa technological advancement.
“This particular aircraft is being acquired for the purpose of keeping pace with current technological advancement. This type of aircraft is necessary for a 24/7 real-time command and control, especially during crisis situation,” dagdag ng kalihim.
Dagdag ni Lorenzana, magagamit din ang eroplano para sa ‘mercy flights’ o para maisakay at madala sa ospital ang mga sugatang sundalo o mga sibilyang nasa kritikal na kondisyon.
Maaari rin namang magamit ang eroplano ng mga miyembro ng gabinete at matataas na opisyal sa kanilang official trips.
Una nang binatikos ang pagbili sa G280 na napaulat na umano’y magiging presidential plane.
Nakatakdang mai-deliver sa bansa ang G280 sa kalagitnaan ng 2020.