Albayalde iiwan ang pwesto sa October 29

Bababa ng 10 araw na mas maaga sa pwesto si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde.

Sa ambush interview sa Camp Castañeda, Silang, Cavite, kinumpirma ng PNP chief na iiwan niya ang kanyang pwesto sa October 29, imbes na sa November 9 na kanyang retirement day.

Sinabi ni Albayalde na ito ay dahil magaganap ang change-of-command ceremonies sa October 29 na itinugma sa schedule ng Pangulo.

Nakatakda umanong dumalo ang pangulo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa unang linggo ng Nobyembre.

Dahil dito, sinabi ni Albayalde na matapos ang change-of-command o simula October 30 ay nasa bakasyon na siya.

Hindi na rin makakapag-inspeksyon ang PNP-chief sa mga preparasyon para sa All Saints’ Day break.

Samantala, nagbigay si Sen. Christopher ‘Bong Go’ ng mga pangalan ng mga nag-aagawan para sa pagka-PNP chief.

Ito ay sina Deputy Chief for Administration Pol. Lt. Gen. Archie Gamboa, Deputy Chief for Operations Pol. Lt. Gen. Camilo Cascolan at incoming Directorial Staff Chief Pol. Maj. Guillermo Eleazar.

Pero ayon kay Go, bagama’t miyembro ang tatlo ng command group at sila ang most senior, maaaring pumili ang pangulo ng kahit sino dahil walang batas sa pagpili ng PNP chief.

Read more...