Sa pagbisita ng senador sa mga biktima ng sunog sa Sta. Ana Maynila, araw ng Biyernes, sinabi nito na hindi siya sang-ayon na may transportation crisis sa rehiyon.
Anya pa, matagal nang problema ang trapiko sa Metro Manila.
“Ang makaka-solve ng traffic sa Metro Manila, alam mo kung sino? Superman,” ani Go.
“Matagal na iyan. Hindi natin masasabi na crisis, it’s been there, napakatagal na ang traffic sa Metro Manila,” dagdag ng Senador.
Sinabi pa ng senador na hindi na nangako pa si Pangulong Rodrigo Duterte na masosolusyonan ang problema sa trapiko dahil alam nito na wala na siyang magagawa pa.
Payo ng senador ay magsitungo ang mga tao sa probinsya na anya’y maluwag pa at pauunlarin na lamang ang mga ito at sa paggawa ng mga bagong siyudad.
“Si Pangulo hindi nangangako iyan ng hindi niya kayang gawin. Hindi natin ma-solve ito, kaya sinabi ko kanina umuwi na lang tayo sa probinsya. Maluwang pa doon, gumawa na lang tayo ng bagong siyudad,” giit ng senador.