Sa isang press briefing araw ng Biyernes, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na 612 na kalsada o 75 percent na target sa Metro Manila ay nalinis mula sa obstructions.
Ayon sa kalihim, nanguna sa clearing operations ang Marikina, San Juan, Mandaluyong, Caloocan, Malabon, Las Piñas, Pasay, Valenzuela, Makati, Pateros, Parañaque at Navotas matapos makapagtala ng high compliance.
Medium compliance naman ang ipinamalas ng Quezon City, Pasig, Maynila at Muntinlupa.
Bagama’t pasado, bukod tangi naman ang Taguig na nagpakita ng low compliance.
Ang Metro Manila cities ay bahagi ng 1,148 na local government units (LGUs) sa buong bansa na nakasunod sa direktiba.
Sinabi naman ng DILG na magpapatuloy ang kanilang monitoring sa clearing operations sa buong bansa at hindi pa ito matatapos.
Magsasagawa umano ng DILG ng validation tuwing ikatlong buwan.