M3.2 na lindol naitala sa Batangas

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Batangas alas-4:23 Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 23 kilometro Timog-Kanluran ng Calatagan.

May lalim ang pagyanig na 182 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...