Isetann Mall Manila bukas na muli

Pinabuksan na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Isetann Mall sa Sta. Cruz, Maynila.

Sinabi ni Levi Facundo, hepe ng Bureau of Permits, naayos na lahat ng pamunuan ng Isetann ang mga kinakailangan permit para sa kanilang operasyon.

Ayon kay Facundo inirekomenda niya kay Mayor Isko Moreno na bawiin na ang closure order sa Isetann na isinilbi noong Miyerkules.

Ang pag abruba naman sa rekomendasyon ay ginawa ni Secretary to the Mayor Bernardito Ang.

Ngunit binalaan ng pamahalaang lungsod ang Isetann na kapag muling lumabag sa mga kondisyon sa kanilang permit ay muli silang ipapasara.

Pinagbilinan din ang pamunuan ng mall na tiyakin na wala ng ipagbibiling GSM o galing sa magnanakaw na cellphone maging mga segunda mano na cellphone sa alinman tindahan sa loob ng Isetann.

Read more...