Pagsabog sa Bilibid pagpapatunay ng problema sa seguridad ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra

Butas sa seguridad sa New Bilibid Prison (NBP) ang naganap na pagsabog kaninang umaga.

Ito ang pag amin ni Justice Sec. Menardo Guevarra matapos ianunsiyo na pinaiimbestigahan na niya ang insidente kay Bucor Chief Gerald Bantag.

Samantala, pinasok na ni Bantag ang Quadrant 4 kung saan naganap ang pagsabog matapos matanggap ang utos ni Guevarra na mag imbestiga.

Nagsagawa ng inspection si Bantag sa pinsalang idinulot ng hinihinalang improvised explosive device o IED.

Una na rin inihayag ni NCRPO Dir. Guillermo Eleazar na ‘major security breach’ ang nangyari dahil nagawang makapagpasok ng mga pampasabog sa loob ng pambansang piitan.

Read more...