8 sugatan sa tensyon sa Makati City Hall

susp order edited
Kuha ni Ruel Perez

Nagkagulo sa Makati City Hall matapos isilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang suspension order laban kay Makati Mayor Junjun Binay.

Kabilang sa mga nasugatan ang tatlong pulis at limang mga tagasuporta ng pamilya Binay.

Kuha ni Ruel Perez

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Eric Enriquez, Bantay-Bayan ng Barangay Carmona sa Makati, bigla na lamang nagkagulo nang dumating si DILG-NCR Officer-in-charge Director Ma. Lourdes Agustin, para isilbi ang suspension order.

Itinulak umano ng mga pulis ang mga supporters at pinaaalis sila sa lugar at doon na nagsimulang magkagulo. Nagkabatuhan ng silya at mga bottled water.

Nasugatan sa ulo si Enriquez. Ayon kay Enriquez hindi na niya matandaan kung ano ang inihampas sa kaniya ng mga pulis dahilan para magkaroon ng putok ang kaniyang ulo.

Dahil sa matinding tensyon, ipinaskil na lamang sa labas ng main entrance ng Makati City Hall building ang suspension order kay Binay.

Kuha ni Ruel Perez

Nanindigan din ang mga supporters na manatili sa lugar at sinabing haharangin nila ang mga magtatangkang pababain si Mayor Binay na nasa ika-21 palapag ng gusali.

Samantala, matapos maisilbi ang suspension order kay Mayor Binay, agad namang nanumpa sa pwesto si Makati Vice Mayor Kid Peña bilang Acting Mayor ng lungsod. / Ruel Perez

Read more...