(UPDATE) Isang pagsabog ang naganap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Sa paunang ulat na natanggap ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar alas-10 ng umaga ng Biyernes (October 11) naganap ang pagsabog sa loob ng Quadrant 4, East sector ng Maximum security compound ng Bilibid.
Aniya agad na pinasok ng kanilang explosives and ordinance division at K9 teams ang lugar at agad natukoy na
improvised explosive device o IED ang sumabog.
Sinabi pa ni Eleazar na dahil sa insidente ay patuloy na hinalughog ng husto ang Quadrant 4 sa pamamagitan ng
paneling at paggamit ng mga bomb detection dogs.
Sa paghahalughog ng mga otoridad, nadiskubre ang dalawang granada at dalawang blasting caps sa loob ng mga kubol na kalapit ng blast site o kung saan naganap ang pagsabog.
Ang insidente ay nangyari habang isinasagawa ang demolition ng mga kubol ng mga high profile prisoners.
Miyerkules (October 9) ng umaga nang ipagiba ni Bucor Chief Gerald Bantag ang paggiba sa mga kubol gamit pa ang mga heavy equipment.
Kumpirmado naman na mga miyembro ng Abu Sayyaf Group, Maute, ISIS, Rajah Solaiman at MILF ang mga nakakulong kung saan naganap ang pagsabog.
Hindi pa matukoy kung ang pagsabog ay sinadya o dahil sa paggiba sa mga kubol.