Sec. Salvador Panelo, inamin na nahirapan mag-commute papasok sa trabaho sa Malacañang

Tinotoo ni Presidential spokesman Salvador Panelo na siya ay sasakay ng pampublikong transportasyon mula sa kanyang bahay sa Marikina City hanggang sa Malacañang.

Ginawa din niya ang kanyang payo na umalis ng maaga para maaga din dumating sa destinasyon.

Ngunit inabot ng halos apat na oras si Panelo sa kanyang biyahe, umalis siya ng kanyang bahay ng ala-5:15 at dumating sa Malacañang ng alas-8:45.

Sa panayam kay Panelo, iginiit pa rin nito na walang krisis sa transportasyon ngunit pag-amin niya hamon talaga ang paggamit ng mga pampublikong transportasyon.

Apat na beses na nagpalit ng masasakyan jeep si Panelo bago ito sumakay ng motorsiklo papasok na ng Malacañang Compound.

Hindi ito sumakay ng LRT-2 na unang plano at nagpalipat-lipat na lang ng jeep dahil nasundan na siya ng media.

Sinabi pa ni Panelo kailangan lang ng diskarte at gumawa ng paraan para umabot sa oras ng pasok at isa na rito aniya ang paggising ng mas maaga.

Read more...