Lalaki patay sa pamamaril sa Brgy. Tisa, Cebu; shabu natagpuan sa compartment ng motorsiklo

Patay sa pamamaril ang isang lalaki sa loob ng pribadong subdibisyon sa Barangay Tisa, Cebu huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mark Brian Lopez, 36 anyos at residente ng Barangay San Nicholas.

Bandang alas-9:00 Huwebes (October 10) ng gabi nang makarinig ng putok ng baril ang mga residente at ng kanilang alamin ay nakita na lamang na nakabulagta sa kalsada ang isang lalaki katabi ang isang motorsiklo.

Sa imbestigasyon, natagpuan ang basyo ng bala ng isang kalibre .45 sa pinangyarihan ng krimen.

May nakuha rin na hindi pa matiyak na dami ng shabu na nakasilid sa plastic bag sa compartment ng motorsiklo.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Read more...