Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 16 kilometers Southwest ng bayan ng Makilala, alas-9:55 umaga ng Biyernes (October 11).
May lalim na 4 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang intensity 4 sa Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Pikit, South Cotabato at Sta. Cruz, Davao Del Sur, intensity 3 sa Koronadal City; Davao City at Pres. Roxas, Cotabato at intensity 2 sa Kalilangan, Kadingilan at Damulog, Bukidnon; General Santos City; Tupi, Polomolok at Tampakan, South Cotabato at sa Esperanza, Sultan
Kudarat
Naitala rin ang instrumental intensity 5 sa Kidapawan City, intensity 3 sa Tupi, South Cotabato, intensity 2 sa Alabel, Sarangani; Davao City at intensity 1 sa Kiamba, Sarangani at General Santos City
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at inaasahan ang aftershocks dahil sa malakas na pagyanig.