25 na pamilya naapektuhan ng sunog sa Boracay Island

Natupok ang nasa 20 bahay sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Barangay Balabag sa Boracay Island.

Nagsimula ang sunog dakong alas-5:00 Huwebes ng hapon (October 10) at tumagal ng halos isang oras bago tuluyang maapula.

Nabatid na ginagamit na boarding house ang marami sa mga bahay.

Aabot sa 25 pamilya ang naapektuhan ng sunog.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Boracay Fire Station sa pinagmulan at sanhi ng sunog.

Read more...