Ayon kay Poe ibinahagi ni Dr. Paul Chua, ang deputy for operation and engineering ng LRTA, nagsasagawa na sila ng assessment sa mga pinsala sa kanilang tatlong substations.
Ibinahagi ni Chua sa Senate Committee on Public Services na pinayagan na sila ng Bureau of Fire na mabusisi ang kanilang mga rectifiers para malaman nila kung anong spare parts ang papalitan.
Paliwanag ni Chua ang unang anunsyo na aabutin ng siyam na buwan ang pagsasaayos ay ‘worst case scenario’ lang.
Banggit pa nito, sa 189 spare parts na maaring kailanganin, 178 ang mayroon silang stock sa kanilang bodega.
Sa pagdalo ni Poe sa meeting ng technical working group ng komite positibong balita ang ibinahagi ni Chua.
Aniya dapat ay matigil na ang sisihan at ibuhos na lang ang panahon sa paghahanap ng solusyon.