Renato Reyes ng grupong BAYAN maaga ring nag-commute pero bigong makasabay si Sec. Panelo

Maaga ring nasa lansangan si Renato Reyes ang secretary general ng grupong BAYAN.

Alas 5:18 ng umaga (Biyernes, Oct. 11) nang mag-tweet si Reyes na siya ay nasa LRT-2 Santolan at sinabing sa Cubao na lang siya magkita ni Panelo.

Sumakay si Reyes ng bus patungong Cubao-LRT at ibinahagi ang larawan ng siksikang mga pasahero sa loob nito.

May pagkakataon ayon kay Reyes na namatay ang aircon ng sinasakyan nilang bus.

Alas 6:36 ng umaga nang mag-tweet si Reyes na malapit na sila sa Cubao – LRT.

Pagsapit ng Aurora Boulevard ay natraffic na ang sinasakyang bus ni Reyes kaya maraming pasahero nag naglakad na lang.

Tanong ni Reyes nasaan kaya si Panelo na una na niyang hinamon na sabay silang mag-commute ngayong araw.

Read more...