LOOK: Sec. Panelo sumakay ng jeep bilang bahagi ng “commute challenge”

(UPDATE) Maagang bumiyahe si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ngayong umaga ng Biyernes, Oct. 11.

Ito ay para tuparin ang hamon na siya ay mag-commute.

Ayon kay Panelo pasado alas 5:00 ng umaga nang magsimula siyang bumiyahe, umikot siya mula Maynila patungong
Marikina City at saka siya nagtungo ng Malacañang.

Kita sa kaniyang mga ipinadalang larawan na madilim pa at hindi pa sumisikat ang araw nang siya sumakay ng jeep.

Nakasuot ng kulay puti na long sleeves si Panelo at naka-kulay puti rin na cap.

Nakailang lipat ng jeep si Panelo at hindi na ito sumakay sa LRT.

May pagkakataon din na naki-angkas ng motorsiklo si Panelo nang malapit na siya sa palasyo dahil wala siyang makuhang tricycle.

Bago mag-alas 9:00 ng umaga nang makarating sa Malakanyang si Panelo.

 

Read more...