Mga senador pumalag sa panukalang mag-inhibit si Poe sa Mamasapano probe

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Naghayag ng pagtutol ang ilang senador sa panukala ni Majority Leader Alan Peter Cayetano na mag-inhibit sa pagdinig ng Senado sa Mamasapano incident si Sen. Grace Poe.

Sinabi ni Sen. Ralph Recto na karapatan ng lahat pati na ni Sen. Poe na siyang Chairman ng Senate Committee on Public Order na marinig ang sinasabing mga bagong impormasyon na hawak ni Sen. Juan Ponce Enrile.

Sinabi naman ni Sen. Tito Sotto na unfair naman na maituturing kung si Sen. Grace Poe lang ang hindi papayagang dumalo sa pagpapatuloy ng Senate probe sa January 25 na natapat naman bilang unang taong anibersaryo ng Mamasapano incident.

Sa kanyang panig, sinabi ni Sen. Serge Osmeña na pwedeng huwag pabotohin sa mga gagawing panukala si Poe pero hindi siya pwedeng pagbawalan na dumalo sa gagawing imbestigasyon.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na dapat mag-inhibit sa Mamasapano investigation ang lahat ng mga Senador na tumatakbo sa pinakamataas na pwesto na miyembro ng nasabing komite.

 

Read more...