DQ case na inihain ng UP student vs. Duterte pending pa rin ayon sa Comelec

Duterte5
Inquirer file photo

(Update) Nilinaw ni Comelec Commissioner Christian Robert Lim na hindi pa tuluyang ibinabasura ng first division ng poll body ang disqualification case laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na inihain ni University of the Philippines Student Council Chairman John Paulo Delas Nieves.

Nilinaw ng nasabing opisyal na pending pa rin sa kanilang dibisyon ang nasabing reklamo bagama’t hindi nakadalo sa preliminary conference ng kaso ang petitioner at ang kanyang legal counsel.

Ipinaliwanag naman ni Comelec Clerk Atty. Abigail Lilagan na karaniwang idini-dismiss ang reklamo kung sa preliminary conference pa lamang ay hindi na nakararating ang naghain ng reklamo.

Nauna nang sinabi ni Nieves na nagkaroon ng pagkakamali nang humalili si Duterte bilang opisyal na kandidato ng PDP-Laban kay Martin Diño.

Imbes na Presidential candidate, nakalagay sa Certificate of Candidacy ni Diño na siya’y kandidato bilang Alkalde ng Pasay City.

Bukas, araw ng Martes ay diringgin din ng First Division ng poll body ang dalawa pang disqualification cases laban kay Duterte.

Read more...