Lebanese at isang Pinay arestado sa Parañaque dahil sa illegal recruitment

Arestado ang isang dayuhan na umanoy illegal recruiter matapos nitong tangayan ng P300,000 ang mga overseas Filipino workers (OFWs) para sa pekeng trabaho sa Saudi Arabia.

Nahuli ang Lebanese na nakilala sa alyas Steve Bsat sa isang condominium sa Parañaque.

Makikipagkita sana ang dayuhan at kasama nitong apat na Pinay sa mga OFW na kanilang ire-recruit.

Arestado rin ang isa sa apat na Pinay na kasama ni Bsat na may arrest warrant sa kasong illegal recruitment.

Muntik nang makatakas ang Lebanese pero naharang ito ng mga otoridad habang ang tatlong Pinay na kasama nito ay nakatakas.

Nasa kustodiya na ng Anti-Transnational Crime Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dayuhan at kasama nitong isang Pinay.

 

Read more...