Mga labi ng 2 Pinoy na namatay sa pagguho ng tulay sa Taiwan naiuwi na sa bansa

OWWA photo

Naiuwi na sa bansa ang mga labi ng dalawa sa tatlong mangingisdang Pinoy na nasawi sa pagbagsak ng tulay sa Taiwan.

Sakay ng China Air flight CI 703, dumating bago magtanghali ng Huwebes ang mga labi nina Andree Serencio at Gorge Impang.

Kasama ang dalawa sa mga namatay sa pagbagsak ng 140-metrong tulay sa isang fishing vessel noong October 2.

Ang bangkay naman ng isa pang Pinoy na kinilalang si Romulo Escalicas Jr. ay sa October 16 pa maiuuwi dahil sa prinoproseso pa ang mga dokumento nito.

Nangako naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng kaukulang tulong sa mga naulilang pamilya ng mga mangingisda kabilang na ang scholarship para sa kanilang mga anak.

Una nang nangako ng tulong ang pamahalaan ng Taiwan sa pamilya ng mga biktima.

Read more...