Oras ng libreng sakay ng mga estudyante sa LRT-2 binawasan

Sa hapon na lamang mayroong libreng sakay ang mga estudyante sa Light Rail Transit-2 (LRT-2) dahil sa limitadong operasyon nito.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), binawasan ang oras ng libreng sakay dahil sa “adjusted revenue operation.”

Kung dati ay may libreng sakay ang mga estudyante mula 4:30 ng umaga hanggang alas 6:00 ng umaga, epektibo October 8 ay mula alas 3:00 ng hapon hanggang 4:30 ng hapon na lamang ito.

Pero sinabi ng LTRA na kapag naibalik na ang full operation ng LRT-2 ay babalik na rin ang dating oras ng libreng sakay.

Limitado ang biyahe ng LRT-2 mula Cubao hanggang Recto stations lamang at pabalik matapos ang pagkasunog ng power rectifiers sa tatlong istasyon ng railway system.

Pero target ng ahensya na umabot na ang partial operation sa Anonas Station.

Una nang sinabi ng LRTA na kidlat ang posibleng dahilan ng sunog sa LRT-2.

 

Read more...