Daang-daang mga isda lumutang sa fish kill sa Las Piñas

Las Piñas City Update FB

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na huwag kainin ang mga isdang namatay kasunod ng fish kill sa Las Piñas City dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Huwebes ng umaga nang lumutang ang daang-daang mga patay na isda kabilang ang butete, tilapia, sapsap, asohos at iba pa.

Las Piñas City Update FB

Ayon sa Las Piñas Agricultural Office, ang fish kill ay maaaring bunsod ng tubig na galing sa ilog at humalo sa dagat sa Manila Bay.

Iniimbestigahan na ang dahilan ng fish kill na nasa bahagi ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area na isang protected nature reserve.

Kumuha na rin ang BFAR at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng water sample para suriin ang dahilan ng fish kill.

 

Read more...