PNP nagpatupad ng balasahan ng mga opisyal; Eleazar promoted sa 4th highest position

PIO, NCRPO photo

Nagpatupad ang Philippine National Police (PNP) ng balasahan ng mga opisyal kabilang si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar na promoted sa pang-apat na pinakamataas na posisyon.

Kinumpirma ni PNP chief General Oscar Albayalde sa INQUIRER.net ang pagkatalaga kay Eleazar bilang Chief of the Directorial Staff sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Ang balasahan ay bunsod ng nakatakdang pagreretiro ni Lt. Gen. Fernando Mendez Jr., ang kasalukuyang Deputy Chief for Administration o ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa PNP.

Ang pangatlo namang pinakamataas na opisyal sa PNP na si Lt. Gen. Archie Gamboa, kasalukuyang Deputy Chief for Operations ang papalit kay Mendez.

Samantala, sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac na si Lt. Gen. Camilo Cascolan, Chief of Directorial Staff ang papalit kay Gamboa.

Si Eleazar ay papalitan naman ni Brig. Gen. Debold Sinas, ang police director sa Central Visayas.

Ang mga bagong posisyon ng mga opisyal ay epektibo sa Sabado, October 12, ang araw ng retirement ni Mendez.

Sina Gamboa, Cascolan at Eleazar ay ang mga sinasabing posibleng pumalit kay Albayalde na magreretiro naman sa November 8.

 

Read more...