Kapalaran ni Albayalde nakabase sa imbestigasyon ng Senado ayon sa Malacañang

Radyo Inquirer

Hahayaan muna ng Malacanang na matapos ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa ninja cops bago pagpasyahan ang kapalaran ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.

Tugon ito ng palasyo sa gitna ng rebelasyon ni dating PNP Regional Dir. Rudy Lacadin sa Senate inquiry nakakuha ng parte si dating Pampanga Police Director Albayalde ng bahagi sa naipuslit na droga ng kanyang mga dating tauhan.

Ayon kay Panelo, mas makabubuti na tapusin na muna ang imebstigasyon at pakinggan ang panig ni Albayalde.

Itinanggi na rin aniya ni Albayalde ang alegasyon ni Lacadin.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na wala pa namang utos si Pangulong Duterte na magbitiw na sa pwesto si Albayalde.

Read more...