Ayon kay CBCP Chairman for Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education at San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, dapat inimbestigahan muna ng mabuti ng DepEd ang nasabing hakbang.
Sa halip anya na ipasara, dapat nag-isip ng ibang paraan upang ma-improve ang sistema ng edukasyon sa mga paaralan ng mga lumad.
Iginiit ni Mallari na dahil sa nasabing hakbang ay maraming kabataang lumad ang maaapektuhan sa kanilang pagaaral.
Sinabi pa nito na kailangan tulungan ng pamahalaan ang mga eskwelahan ng lumad para maabot ang batayan at alituntunin na hinihingi ng gobyerno.
Kamakailan, nagpapatuloy ang pagpapasara ng DepEd ng mga lumad school sa Mindanao dahil ginagamit umano ito sa panghihikayat ng miyembro ng mga rebeldeng grupo.