Kasabay nito, iba’t ibang sugestyon ang lumutang sa commute challenge.
Kabilang na rito ang pagco-commute ni Panelo ng rush hour, walang bodyguard, walang taga-hawi walang senior citizen lane, walang advance party o ano pa
man.
Dapat din na mag-Facebook live si Panelo para makita ng taong bayan ang kanyang pagco-commute at kung maari ay iwasan na ang magsama ng media para hindi na makaabala sa ibang pasahero
Naniniwala ang netizen na kung mabibigo si Panelo na makamit ang kanilang mga hiling, mawawalang-saysay ang commute challenge dahil hindi niya mararanasan ang karaniwang kalbaryo ng mga mananakay araw-araw.
Una rito, sinabi ni Panelo na kanyang tinatanggap ang hamon ni Reyes at magco-commute siya sa araw ng Biyernes, papasok sa kanyang tabaho sa Malakanyang.
Sasakay si Panelo ng jeep at LRT mula Cubao patungo sa Malakanyang.
Matatandaang ginawa na noon ni dating Presidential Spokesman Harry Roque ang MRT challenge pero umani lamang ng batikos dahil ginawa niya ang pagsakay ng MRT nang hindi rush hour.