Sa media briefing, kinumpirma ni Bula Police station chief Police Major Tirso Pascual, na naaresto nila si Emmanuel Orcullo, 22-anyos at residente ng Imus, Cavite sa isang operasyon sa Acharon Boulevard, Barangay Dadiangas South.
Ayon kay Pascual, pumayag na maging decoy si Bernie Solatorio, isang agent ng Rigen Marketing na una nang naaresto dahil sa investment scam.
Si Solatorio ang nakipag-transaksyon kay Orcullo at nang magkasundo ay nagpasyang magkita sa isang lugar.
Noong Martes, nagtungo si Orcullo sa General Santos City mula sa Imus Cavite para kunin ang investment ‘diumano nito kay Solatorio na aabot ng P2-milyon.
Sinundo pa ni Solatorio si Orcullo sa airport at sa sasakyan pa lamang ay ginawa na nila ang bayaran gamit ang “boodle money.”
Nabatid na si Orcullo ang umanoy “contact” ni Solatorio sa investment scam.
Ang dalawa ay kapwa nahaharap sa kasong estafa at swindling.