Tricycle driver arestado sa pangmomolestya ng ilang kabataan sa Cebu City

Arestado ang isang tricycle driver makaraang ireklamo ng pangmomolestya sa ilang mga kabataan sa Barangay Bulacao, Cebu City.

Kinilala ang naaresto na si Falcondo Tabura, 49 – anyos at residente ng Peace Valley Homes in Barangay Bulacao-Pardo, Cebu City.

Nagharin ng reklamo ang kaanak ng apat na kabataang babae na nasa idad na 7 hanggang 9 na naging biktima umano ng pangmomolestya ni Tabura.

Kwento ng mga biktima, ina-alok sila ni Tabura ng pera para sumakay sa kanyang tricycle at pagkatapos ay dadalhin sa isang lugar kung saan ginagawan sila ng kahalayan ng suspek.

Bukod sa mga kabataang babae ilang mga batang lalaki ang nabiktima ng pangmomolestya ng suspek.

Itinanggi naman ni Tabura ang paratang laban sa kanya at sinabing sinusundo lamang niya sa paaralan ang mga bata.

Read more...