US Embassy sa Maynila walang operasyon sa Lunes, Oct. 14

Sarado sa Lunes, October 14 ang US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Sa abiso ng embahada sa publiko, wala munang transaksyon sa US Embassy at affiliated offices nito sa Lunes.

Ito ay dahil ang naturang petsa ay isang American Holiday.

Ang October 14 ay ginugunita sa Amerika bilang Columbus Day.

Sa Martes, Oct. 15 ay balik na sa normal ang serbisyo ng US Embassy.

Read more...