Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni Reyes na dahil tiyak ang mahabang biyahe ni Panelo sa Biyernes ay nais niyang gamitin ang oras na ito para makausap si Panelo.
Nais umano niyang talakayin kay Panelo ang problema sa mass transport system sa bansa.
Ayon kay Reyes, maaring mahaba ang daratnang biyahe ni Panelo sa LRT kaya magandang pagkakataon ito para mapag-usapan ang pagkakaroon ng long-term solutions sa problema.
Paliwanag ni Reyes, ang kanilang hamon kay Panelo ay hindi lamang para patunayang kaya itong gawin kundi para maipaunawa sa mga government official ang sinasapit ng mga commuter sa araw-araw.
Kaya mensahe ni Reyes kay Panelo – “Magkita tayo sa Biyernes”.