Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committte, iginiit ng PNP chief na wala siyang kahit anong papel sa iligal na gawain ng kanyang mga tauhan noong siya pa ang Pampanga police provincial director.
Sa pagdinig, isiniwalat ni retired Police General Rudy Lacadin na tumawag din sa kanya si Albayalde hinggil sa nakabinbing kaso ng kanyang 13 tauhan.
Ayon kay Lacadin, sinabihan pa siya ni Albayalde na “kaunti” lang naman ang napunta sa kanya at patuloy niyang iniisip hanggang sa ngayon kung nagbibiro ba ito.
Pero depensa ni Albayalde, parang pinagtutulungan na siya ng lahat at hindi niya mawari kung bakit.
“I really don’t know what the conspiracy here is. It seems that everybody is ganging up on me,” ayon sa PNP chief.
Tanong ni Albayalde, bakit matapos ang anim na taon ay ngayon lang siya idinidiin sa kaso at hindi siya napanagot noon pa.
“I don’t know what he (Lacadin) has against me, but assuming I said that, the question is, again, why was I not charged,” ayon sa PNP chief.
“Over and over and over again, the investigators are here, nothing was found. Otherwise, if they found something against me, like being liable for command responsibility, I would have been charged for command responsibility. After six years, why only now?” dagdag nito.